Home Slider

To get quicker replies to your questions, please email anihanschool@gmail.com or info@anihanschool.com

Monday, April 11, 2011

The Road to Success: Anihan Gaduates' Stories (Part 1 of 2)

Anihan Technical School held its 24th Commencement Exercises on April 8, 2011. The Guest speakers who gave the inspirational messages on that special day were two Anihan alumnae who graduated in 2006. Both did their on-the-job-training in The Palms Country Club and were immediately employed by the same establishment after their graduation. We reproduce here excerpts of their speeches.

Sherry May Benjamin, Commis 2
OIC, Continental Kitchen, The Palms Country Club

Sherry May was moved to tears during her speech as she recalled her family's hardships while she was still studying.

Magandang hapon po sa inyong lahat. Isa rin po akong graduate na gaya ninyo sa eskwelahang ito, at minsan ring naging bahagi ng ganitong pagtatapos...

...Ang Anihan ang maituturing kong aking pangalawang tahanan. Hindi ko po makakalimutan kung ilang beses na akong pinahinto ng mga magulang ko sa aking pag-aaral dahil sa kakapusan, ngunit naging matatag po ako sa aking desisyon na makapag-aral at makapagtapos. Ang lahat ng natutunan ko sa Anihan ay nagamit ko at nakatulong sa'kin sa pagharap sa buhay, hanggang sa ako po ay na-assign sa The Palms Country Club para mag-on-the-job-training. Kahit alam kong mapapalayo ako sa mga magulang ko, pinili ko 'yun. Gusto ko ding mapatunayan sa sarili ko na kaya ko nang maging independent at mas maging responsable sa buhay. Sa panahon na yun naisabuhay ko lahat ng natutunan ko. Nung una napakahirap mag-adjust, pero kalaunan natuto din akong makibagay.

Napakabait ng aming Executive Chef sa The Palms Country Club dahil pagkatapos ng aming OJT, tinanggap niya kami para makapagtrabaho. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa pagtitiwala na binibigay nya sa akin, sa pagtitiyaga nya sa pagtuturo.

Nagsimula ako bilang kitchen helper nung tinanggap na kaming mga trainee para magtrabaho.  Nung una, kinakabahan ako dahil alam kong malaki na ang expectations sa akin ng mga kasama ko sa trabaho, at lalo na ni Chef Hans, ang aming Executive Chef.  Sa dalawang taon kong bilang kitchen helper, marami akong natutunan sa buhay, hindi lang sa pagluluto at paghahanda ng pagkain, natutunan ko ding makibagay sa iba’t ibang klase ng tao para makuha ang respeto na dapat nilang ibigay sa akin, at hindi ako nabigo. Lahat sila ay naging mabuti at may mga aral silang naibahagi sa’kin na magagamit ko sa aking buhay.  Sa punto na napapagalitan ako at umiiyak, hindi ko naisip ang sumuko, bagkus naging inspirasyon ko pa ‘yun para magpatuloy.  Mas naging responsable ako sa ginagawa ko at natutunan kong pahalagahan ang mga guests at members ng country club sa pagbibigay sa kanila ng good at quality food.

Oo, napakahirap magtrabaho sa kusina, nandyan yung sobrang pagod at mahabang oras ng trabaho, yung mga oras na nakakataranta dahil maraming orders, at sasabay pa ang pressure mula sa mga boss. Pero lahat ng ‘yun kinaya ko, naging inspirasyon ko ang mga magulang ko, ang aking mga guro at sponsors na nagtaguyod para marating ko ang aking kinalalagyan ngayon at higit sa lahat ang tiwala na binigay nila sa’kin.

Nung naging regular na ako at na-promote ako bilang Commis 2 at hawakan ko ang fine dining restaurant sa The Palms Country Club, di ko na naman naiwasan ang kabahan. Pero sa tuwing naiisip ko na may nagtitiwala sa kakayahan ko, mas naging pursigido akong kayanin lahat. 

Sobrang masaya po ako dahil makakatulong na po ako kaagad sa pamilya ko. Isa sila sa mga naging inspirasyon ko sa pagtahak ko sa buhay. Kapag iniisip ko ang lahat ng sakripisyo na ginawa nila para mapagtapos lang ako sa pag-aaral, di ko magagawa na sila ay biguin. Anuman ang narating ko ngayon, lahat ng ‘yun ay binigay ng Diyos. Matuto lamang tayong makinig sa Kanya, at naniniwala ako na di hadlang ang kahirapan o kakapusan para maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay.

Sa mga graduates natin ngayon, kailangan ninyong maging matatag, at sa masigasig na paggabay ng inyong mga magulang ay hindi imposible na matupad ang gusto niyo sa buhay. At higit sa lahat huwag nating kalimutan palaging magpasalamat sa ating Panginoon na gumagabay sa'tin sa lahat ng oras. Kung ang puso natin at pananampalataya ay nasa Kanya walang mahirap na di natin kayang abutin...

TO GOD BE THE GLORY!

Sa inyong lahat, maligayang pagtatapos! At sa mga sponsors, mga guro at kawani ng Anihan, mga tutors, at mga magulang, MARAMING SALAMAT PO!

MORE ANIHAN NEWS