Home Slider

To get quicker replies to your questions, please email anihanschool@gmail.com or info@anihanschool.com

Wednesday, April 13, 2016

The Road to Success: Anihan Gaduate's Testimony

Anihan Technical School held its 29th Commencement Exercises on March 4, 2016. Ms. Maria Vilyn So, a graduate of Anihan, gave the inspirational message on that special day. She did her on-the-job-training in Wild Flour Cafe and in Rambla. She was immediately employed after her graduation. Below are excerpts of her speech.


Maria Vilyn So, Anihan Graduate 2014

Kitchen Supervisor, Dean and Deluca



I am Maria Vilyn So and proud to say that I am a graduate of Anihan Technical School, Batch 2014. ...Grade 5 ako noong ako’y nagsimulang mangarap na maging isang chef. ...Noong ako’y nasa ika-4 na antas sa sekondarya, iba’t ibang eskwelahan ang nagpunta sa aming paaralan at isa doon ang ATS. Sobrang saya ko nung nalaman kong pwede akong kumuha ng kursong kulinarya na hindi kalakihan ang gagastusin... Ang dami kong pinagdaanan bago ako makapasok sa paaralang ito, at ang huli kong naging pag-asa ay ang ating Panginoon. Nagdasal ako kay St. Josemaria na ako’y tulungan makapasok at bigyan ng lakas ng loob. Pagkalipas ng isang buwan, tinawagan ako ng management ng Anihan at pinaayos na sa akin ang mga requirements ko.
(Read the English translation here,
courtesy of Wonder Foundation, a UK-based Anihan Sponsor.)

Laking pasasalamat ko sa Anihan dahil unti-unting natutupad ang aking mga pangarap, di lang ako natuto magluto kundi natuto din akong makilala ang aking sarili at mas mapalapit sa ating Panginoon. Natuto akong magpahalaga sa oras, na bawat minuto’t segundo ay may dapat paglaanan ng mga may katuturan na bagay. Natuto akong magpahalaga sa mga bagay na pinahiram lamang sa atin, mapa-materyal na bagay man o mapa-tungkol sa aking pagiging isang Kristyano sa tulong ng values formation na binibigay sa bawat estudyante. At higit sa lahat, natuto akong mag-desisyon para sa aking sarili sa murang edad pa lamang.

Malaki talaga ang naitulong ng Anihan di lang sa akin kundi sa aking pamilya rin. ...Ako’y nagkaroon ng magandang trabaho at ngayon ay kumikita na upang makatulong sa aking pamilya. Ako’y nakakapag-bigay na ng pambayad ng bahay na kasalukuyang hinuhulgan ng aking mga magulang sa PAG-IBIG, nakakapag bigay ng pambayad ng kuryente, panggastos sa araw-araw, at dagdag na pambayad sa matrikula ng dalawa ko pang kapatid na nasa sekundarya na. Ako’y kasalukuyang may hinuhulugan rin sa PAG-IBIG na sarili ko ng bahay. Ito’y mag dalawang taon ko nang hinuhulugan, simula noong ako’y magsimulang magtrabaho. Hindi ko lahat iyon magagawa kung hindi sa tulong ng paggabay sa akin ng aking mga instructors dati dito sa Anihan, sa aking mentor, pamilya at higit sa lahat, sa Panginoon.

Ako’y unang nag-OJT sa Wild Flour CafĂ© sa The Fort sa loob ng isang buwan bilang isang server. Para sa aking pangalawang OJT, ako’y masuwerte sa Rambla, sa Rockwell, Makati City. ...Ako’y naging bahagi ng kanilang kitchen team. ...Na-absorb ako sa Rambla bilang isang line cook...sa loob ng isang taon at limang buwan. Ngayon naman, ako ay nagtatrabaho sa Dean and Deluca bilang isang kitchen supervisor...

Tulad nga ng sabi ng iba ay walang madaling trabaho. Lahat tayo'y magsisimula sa mababa at mararanasang maghirap pero marunong dapat lumaban at magsumikap matuto. Dapat hindi marunong sumuko. Kaya Graduates, ang payo ko sa inyo, sa ating propesyong napili ay bawal ang maarte, ang mahina ang loob at ang mabilis magpadala sa emosyon.

Ang kailangan ay matatag ang loob at may pagmamahal sa ginagawa kasi ang isa sa mga secret ingredients ng isang chef ay love. Kung Hindi mo mahal ang ginagawa mo, hindi rin magiging maganda ang lasa ng lahat ng niluluto mo. Bale-wala ang lahat ng hirap mo kasi laging may kulang! May kulang kung hindi mo talaga gusto ang ginagawa mo - hindi lang sa niluto mo, pati na rin sa sarili mo.

...Kailangan ay pagdaanan ang lahat, simula sa pinakamababa. Para kapag ikaw ay isa nang head, hindi ka mahihirapan intindihin ang mga tao mo dahil ang iisipin mo ay pinagdaanan mo rin iyon. Ang huwag mong kakalimutan sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo ay ang Panginoon ang una mong lalapitan dahil sya lang ang nag-iisang hindi ka iiwan at makakatulong sa'yo. Congratulations, Graduates Batch 2016!

Thank you! See you guys! Our world is small so we’ll see each other again. I hope all of you had a great experience here in Anihan because as graduates, you will now all go to THE REAL WORLD of the food industry. Good luck!

MORE ANIHAN NEWS